May 21, 2026

Home BALITA

VP Sara, alam ang bigat at saya ng pagiging ina

VP Sara, alam ang bigat at saya ng pagiging ina
Photo Courtesy: Sara Duterte (FB), Freepik

Nagpaabot ng mensahe si Vice President Sara Duterte para sa mga kapuwa niya ina bilang bahagi ng pagdiriwang ng Mother’s Day.

Sa latest Facebook post ni VP Sara nitong Linggo, Mayo 10, sinabi ni VP Sara na batid niya ang bigat at saya ng tungkulin na kaakibat ng pagiging ina.

“Bilang isang ina, alam ko ang bigat at saya ng ating tungkulin—the silent prayers we offer for our children, the long hours we spend ensuring they are safe, and the constant effort it takes to balance work and family,” saad ni VP Sara.

Dagdag pa niya, “To nurture a child and lead a household is one of the most challenging roles any woman can take. But it is also the most rewarding.”

Bukod dito, kinilala rin niya ang sakripisyo ng mga inang nasa ibang bansa na nagtatrabaho para sa pamilya.

'We will comply!' SILG Remulla, kikilos na sa pag-aresto kay Sen. Bato

Aniya, “To our OFW mothers, we know that sacrifice is not always about physical presence—sometimes, the greatest sacrifice is the distance you endure to provide for your family. Salamat sa inyong katatagan.”

Ipinagdiriwang ang Mother’s Day tuwing ikalawang Linggo ng Mayo. Pinasimulan ito noong 1908 sa Amerika dahil kay Anna Jarvis, isang anak na nangulila sa kaniyang yumaong ina.

Kaugnay na Balita: Bakit kinamuhian ni Anna Jarvis ang isinulong niyang Mother’s Day?