Grabehan na talaga ang ilang mga eksena nina "Black Rider" star Ruru Madrid at "Vivamax" star Angeli Khang dahil may tikiman na ng pinya!

Usap-usapan ang pagpapatikim ng pinya ni "Nimfa," karakter ni Angeli, sa bidang si Elias na karakter naman ni Ruru.

Sa eksena, inalok ni Nimfa ng panghimagas si Elias habang kumakain. Pinya nga ang offer niya. Pumayag naman si Elias basta't matamis.

Maya-maya, mismong si Nimfa na ang nagsubo ng hiniwang pinya kay Elias.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"Oh, tikman mo 'tong pinya ko. Matamis 'to..." ani Nimfa. "Tikman mo 'yong pinya ko.

"Di ba matamis ang pinya ko?"

"Matamis nga," tugon naman ni Elias.

"Hmmm... para sa 'yo itong pinya ko. Ubusin mo ha?"

"Para sa 'kin?" tanong ni Elias.

Maya-maya ay muling sinubuan ni Nimfa si Elias.

'Oh 'di ba matamis? 'Di ba masarap? Matamis ang pinya ko..."

Pasasalamat daw ni Nimfa ang pinya para sa pagkuha ni Elias sa kaniyang panty, na mula naman sa ibang eksena.

Kitang-kita namang bet ni Nimfa si Elias batay sa mga galawan at salitaan nila.

Kamakailan lamang ay gumawa ng ingay ang pagpasok sa BR ni Angeli Khang lalo't kilala siya sa Vivamax, ang adult-content streaming app ng Viva.

MAKI-BALITA: Angeli Khang ‘nagpatikim’ na kay Ruru Madrid

MAKI-BALITA: ‘First scene kiss agad! Tukaan nila ni Angeli, ‘di agad nasabi ni Ruru kay Bianca

MAKI-BALITA: ‘Bianca, pakatatag daw!’ Unang bonding nina Ruru at Angeli, kiss agad

Anyway, abangan na lang ang mga susunod na eksena sa nabanggit na serye, na in fairness ay nakatanggap ng bronze medal sa 2024 New York Festival.