Mula mismo sa bibig ng social media personality at owner ng "Diwata PARES Overload" na si Diwata na para sa kaniya, mas maganda raw sa personal si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga kaysa sa kapatid nitong si Alex Gonzaga.

Nakapanayam ni Toni si Diwata sa kaniyang pamosong talk show vlog na "ToniTalks."

"Nagkita na rin tayo," ani Diwata sa umpisa ng vlog bago ang tanungan portion.

"Ang ganda mo pala sa personal."

James sa paglayas ni Liza sa Careless: 'It's her decision'

"Totoo ba 'yan?" flattered na tanong ni Toni.

"Kasi nagpunta sa akin si Alex, 'kala ko si Alex 'yong maganda, pero ikaw pala talaga," hirit pa ni Diwata na ikinatawa naman ni Toni.

Anyway, marami naman ang natuwa sa naging panayam ni Toni kay Diwata matapos niyang ilahad ang kaniyang buhay at tagumpay sa kaniyang pagbangon.