Bongga ang pa-fireworks display ng mga kaanak ni Kapamilya star Daniel Padilla para sa kaniyang 29th birthday!

Makikita sa video report ng ABS-CBN News ang sorpresa para kay DJ ng mga kaanak at nagmamahal sa kaniya, kabilang ang inang si Karla Estrada at kaniyang tito na si Sen. Robin Padilla. Naroon din ang kaniyang amang si Rommel Padilla.

Present din ang kaniyang mga kaibigang sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na kakakasal lamang.

Dumalo rin sa nabanggit na pagtitipon sa Batangas ang mga boss niya sa ABS-CBN na sina Mark Lopez at Carlo Katigbak.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Bukod dito, usap-usapan din ang pagbisita ni DJ sa isang animal shelter sa Pampanga upang ipagdiwang ang kaniyang kaarawan.

MAKI-BALITA: Pagdalaw ni Daniel sa animal shelter, iniintrigang ‘damage control’

Sa panayam kay Karla, sinabi niyang ang anak daw talaga ang naging punong-abala sa kaniyang kaarawan. Minabuti raw nitong ipagdiwang ang birthday nitong Linggo, Abril 28 sa halip na noong Abril 26, upang makadalo ang lahat.

Bukod pala sa kaniyang kaarawan, espesyal din ang araw para kay Daniel dahil ito ang ika-15 anibersaryo niya sa showbiz.