Pinili ni Kapamilya star Daniel Padilla na ipagdiwang ang kaniyang 29th birthday sa isang animal shelter sa Pampanga.

Sa ulat ng TV Patrol, masayang sinalubong si Daniel ng staff ng nabanggit na animal shelter pagkababa niya mula sa kaniyang sasakyan.

Emosyunal pa ang ilan sa mga namamahala rito dahil hindi raw nila akalaing darating ang pagkakataong makikita at mayayakap nila nang personal si Daniel, sa personal nga nitong pagdating sa shelter.

Bukod sa pagpapakain sa mga hayop na naroon at pamamahagi ng pagkain, bitamina, gamot, at iba pang mga pangangailangan ng rescued stray cats at dogs, nagsagawa rin ng libreng konsultasyon sa mga beterinaryo ang mga nabanggit na hayop.

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Ibinida naman ni Daniel ang ilan sa mga kuhang larawan sa pagsadya niya sa animal shelter na karamihan ay tinutuluyan ng mga aso at pusa.

Sa dulo naman ng mga larawan ay makikita ang larawan ni Summer.

Si Summer, ang alagang aso ni Daniel, na sinabi niyang pinaka-loyal na kilala niya, nang matanong siya sa media conference ng "2 Good 2 Be True."

Dito nagsimulang matunugan ng mga tao na tila may something sa relasyon nila ng ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Anyway, narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens patungkol sa charity work ni Deej.

"I dont like him but kudos to him for doing this. I just hope that he donated."

"ang isang taong may malasakit at pagmamahal sa mga animals ay isa sa pinakamabuting tao"

"Salute sa adviser niya."

"happy birthday deej stay kind and humble we love you"

"We love you DJ, thank you for the love."

Ngunit hindi maiwasan ng ilang mga netizen na intrigahin ang pagpunta ni Daniel sa animal shelter.

Kinukuwestyon ng ilang mga netizen ang sinseridad ng ginawa ni Daniel matapos itong i-cover at i-ulat ng TV Patrol.

Hindi tuloy nila maiwasang isiping baka ito raw ay "good publicity" para sa aktor matapos kuyuhin ng intriga dahil sa hiwalayan nila ni Kathryn, at pagkakaugnay naman kay Andrea Brillantes.

Narito ang ilan sa mga negats na komento:

"damage control punta sa mga shelter"

"ok na sana Yung nagawa nya pero dapat walang camera..pero andyan na Yan.."

"damage control yan. nag pa media pa"

"sows pag good image"

"LITERAL PABANGO NANG PANGALAN HAHAHA"

Sa kabila nito, may mga netizen din namang nagtanggol kay DJ.

"Bakit ganun no? Gumawa ka ng mabuti o masama, may masasabi pa rin haters mo? anyways.. not all of them matters.. treasure those who appreciates you."

"yon nga ang nakakainis ang konting mali ni DJ ang nakikita pero ang malaki nagawa hindi palaging binabash bilib lang talaga kay Daniel dedma niya lahat kinaya niya. His really a real man."

"Yong pinang-aasar sa kanya si summer pero wala syang pakialam kase love nya talaga mga hayop..HBD DJP more blessings para marami ka pang matulungan."

"Just continue what you do, lagi naman may masasabi mga tao gumawa ka man ng mabuti o masama."

"masasabi mong di tlga patas ang Mundo kht gumawa k Ng Tama o maganda lge may nasasabe."

Anyway, ang mahalaga naman dito ay maraming aso at pusang napasaya si Daniel.

MAKI-BALITA: ‘Sa’n si Summer?’ Daniel, mga aso’t pusa ang kapiling sa birthday niya