Tila hindi magandang kapalaran ang dumating sa buhay ng social media personality na si Xander Ford matapos siyang iwan ng partner niyang si Gena Mago.

Sa Instagram stories kasi ni Xander nitong Huwebes, Abril 25, idineklara niya na single na raw ulit siya matapos niyang magpaalam at magpasalamat kay Gena para sa tatlong taon nilang pagsasama.

“Salamat sa 3 years, asawa ko. Paalam at malaya ka na,” sulat niya.

Sa mga sumunod na IG stories, unti-unti ay tila ipinahiwatig ni Xander ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Gena.

Relasyon at Hiwalayan

'Sila pa naman:' Cristine, Marco pinakaba lang ang netizens

“Cheat po ba tawag sa kayo pa pero may iba na siyang gusto at kinakausap at kahit may anak na kami, mas pinili niya ‘yong ibang tao kaysa sa amin ng pamilya niya??” saad ni Xander.

“Bakit gano’n, Babe Gena, sa dami mong gugustuhing tao bakit ‘yong kaibigan ko pa?” pagpapatuloy niya.

Dagdag pa ni Xander, “Ang ahas minsan nasa gubat, minsan nasa tahanan lang. Pinatira mo tapos aahasin ka na pala.”

Photo Courtesy: Screenshots from Xander Arizala (IG)

Photo Courtesy: Screenshots from Xander Arizala (IG)

Matatandaang noong Disyembre 2022 ay inanunsiyo ni Xander sa pamamagitan ng Facebook post na isa na siyang ganap na ama.

MAKI-BALITA: Xander Ford, ganap nang ama: ‘Ano pang sabihin nila ipagmamalaki kita’