Pumalag ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at dating senador at vice presidential candidate Atty. Kiko Pangilinan na si Miel Pangilinan sa malisyosong komento ng isang netizen na anak daw siya ni Rivermaya band member Rico Blanco.

Nag-post kasi si Miel ng kaniyang appreciation post para kina Shawie at Kiko sa kaniyang TikTok account.

"thank u for creating me 🩷 i’m forever thankful for the support i get from the both of you, i am who i am because of you. i love you both forever and ever. 🩷" mababasa sa caption.

Ngunit isang netizen ang umentrada sa comment section at nagsabing "Anak daw yan ni Rico Blanco."

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Pasimpleng sagot ni Miel, "hindi daw sabi nya."

Photo courtesy: Screenshot from Miel Pangilinan (TikTok)

Samantala, inulan naman ng encouraging words si Miel mula sa mga netizen.

"because of what people say to you and because you are a chill kid. i hope you don't let human's cruelty ruin what's good in you. be strong miel."

"never mind the bashers dear, just be yourself and be genuinely happy."

"u have no idea how much I adore people like u. u are an inspiration, pls keep doing what you're doing! also, I finally found u in my main acc!!!! 🥰"

"you look like your mom but there are some features of your dad. so pretty 💗 and i love your style!!"

"You look just like them! You're so beautiful! Don't mind these comments, they're probably just insecure."

Matatandaang kumalat ang tsika noon, na itinuturing na isang "urban legend," na umano'y pinalabas daw ni Mega na anak daw nila ni Kiko si Miel, na ang totoo raw ay anak siya ng ateng si KC Concepcion kay Rico, na nakarelasyon nito noon.

Ayon pa sa mga kumalat na tsismis na walang basehan, inako raw ni Shawie ang "baby" para makaiwas sa eskandalo ang anak.

Ngunit matagal na itong itinanggi nina Shawie at KC na pawang kasinungalingan lamang. Sa kasalukuyan ay may foreign boyfriend na si KC at si Rico naman ay masaya kay Kapamilya star Maris Racal ng "Can't Buy Me Love."

Ngunit batay sa sagot ni Miel, kahit siya ay hindi kumbinsidong totoo ang mga malisyosong tsikang ito.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan gayundin sina KC Concepcion at Rico Blanco tungkol sa isyu.