Kaniya-kaniyang hula ang mga netizen kung sinong kilalang showbiz insider ang pinasaringan ni Unkabogable Star Vice Ganda sa "It's Showtime" kung saan sinabi niyang ilang marites daw ay kunwaring may binabasang komento o reaksiyon ng mga tagasubaybay nito, subalit ang totoo, sa kanila mismo galing ang mga tirada o banat na pinapakawalan.

Sa kulitan ng It's Showtime hosts na sina Vice Ganda, Jhong Hilario, at Anne Curtis, sinabi ni Vice na kunwari ay may binabasa ang pinatutungkulang marites subalit ang totoo, personal na birada daw ang sinasabi nito.

"Ganiyan 'yong mga marites eh sinasabi, may sinasabi sabi ni ano, pero ang totoo, sa kanila galing 'yon," sey ni Vice Ganda.

"Oh sige ako na lang," natatawang sundot ni Anne.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

"Ganiyan 'yong mga tsismosa kunwari may binabasa, 'Heto ang comment bi chuchuchuchu, sabi ni ganiyan, ' pero wala naman talaga siyang binabasa, sa kaniya 'yon, echusera ka, sinungaling 'yang matandang 'yan, anyway..." banat pa ng komedyante.

[embed]

Bagama't walang binanggit o tinukoy na pangalan, naniniwala ang mga netizen na ang binabanatan ni Vice Ganda ay si "Cristy Ferminute" host Cristy Fermin.

Sa nabanggit na showbiz-oriented radio show kasi ay binabasa ni Cristy ang mga padalang text message sa kaniya ng avid followers ng programa nila ni Romel Chika, na napapanood ng hapon sa One PH gayundin sa YouTube channel nito. Bukod dito, ilang beses na ring binanatan ni Cristy ang "It's Showtime" host sa iba't ibang isyu at intrigang kinasangkutan nito.

MAKI-BALITA: Cristy Fermin, binanatan si Vice Ganda sa paglipat ng It’s Showtime sa GMA

MAKI-BALITA: Kayabangan ni Vice Ganda hindi raw nawala, sey ni Cristy

MAKI-BALITA: Cristy Fermin sa patutsada ni Vice Ganda: ‘Bakit hindi niya ako diretsuhin?’

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Ganyan na ganyan si Cristy nung interview kay Jayda"

"Sino kina O at C? Hahaha."

"totoo nman sinasabi ni meme vice, minsan nga gusto ko tanungin kung totoo may binabasa sya ksi Minsan sasabihin nya ayon sa ating mga Tagasubaybay"

"may galit na naman mamaya.laging sinasalo ang patama masyadong halata.😂😂😂"

"Nka-isa n nmn c Vice...Go Vice asarin m p...😂😂😂"

Hindi ito ang unang beses na tila nagparinig si Vice Ganda sa nabanggit na showbiz insider.

MAKI-BALITA: Vice Ganda may sagot kay Cristy Fermin?

MAKI-BALITA: ‘Pang-asar’ ni Vice Ganda sa bashers: ‘Nananalo pa rin ako, Bwak Bwak Bwak Bwak!!!’

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Cristy Fermin tungkol dito.