Tila nagbunyi ang mga tagahanga at tagasuporta ng magjowang sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Kapamilya actor Sam Milby nang maispatan silang magkasama sa birthday celebration party ng talent manager nilang si Erickson Raymundo ng Cornerstone Entertainment, na ginanap sa Sta. Rita, Pampanga.

Makikita sa Instagram post ng isa sa mga dumalo na si "Pinky Tobiano" ang sweet moment ng dalawa habang

magkasama sa isang mesa.

Naispatan din sa video ang Kapamilya singer na si Erik Santos.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

"The heat wont stop these sweet couple Cat & Sam and we are all here to celebrate Erickson’s bday…." mababasa sa caption ni Pinky.

Sa comment section naman, inaasam ng mga netizen na sana raw ay magandang senyales na ito at matuloy na ang naudlot na kasal ng dalawa.

"So happy to see catsam"

"Yes Ok na sila. Happy for them"

"Sana tuloy na kasal nila."

"we happy to see you both Sam and cat"

"Sana matuloy na kasal!"

Matatandaang kinumpirma mismo ng kanilang talent management na may pinagdaanan sa relasyon ang dalawa at sinisikap daw nilang ayusin ito, noong Pebrero.