Magandang balita dahil magsisimula nang umarangkada ang Search for Miss Manila 2024.

Kaugnay nito, inanyayahan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga kuwalipikadaong kababaihan na lumahok sa naturang patimpalak.

Metro

Negosyante, pinagbabaril sa loob ng sasakyan, patay!

Ayon kay Lacuna, ang lahat ng dalaga, nagkakaedad ng 18 hanggang 30-anyos at bonafide resident ng Maynila at kumakatawan sa ‘values of empowerment’ at ‘leadership,’ ay maaaring lumahok sa naturang search.

Upang makasali, kinakailangan lamang aniya ng isang aplikante na sagutin ang katanungang, ‘What Makes A Woman Of Worth Ultimately Beautiful?’ at i-upload ang video nito sa TikTok, gamit ang hashtags na #MissManilaUltimatelyBeautiful at #MissManila2024.

Matapos ito, maaari nang magrehistro at mag-fill out ng application form na makikita sa http://missmanila.ph.

Ani Lacuna, sa sandaling makapagsumite ng aplikasyon, kinakailangan na lamang ng aplikante na maghintay ng tawag mula sa pamahalaang lungsod upang matukoy kung sila ay natanggap upang lumahok sa ikalawang bahagi ng qualification process.

Ang deadline para sa aplikasyon ay sa Mayo 3, 2024.