Natawa na lamang ang aktres na si Heaven Peralejo sa tanong ni Mama Loi sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Lunes, Marso 22.

Ayon kasi sa ka-love team ni Heaven na si Marco Gallo, chance daw ang best gift na naibigay ng aktres sa kaniya. 

“I think you give me a chance to be in your life,” sabi ni Marco habang nakatingin kay Heaven.

Kaya ang tanong ni Mama Loi: “Pinapasok mo na ba sa pintuan ng iyong buhay [si Marco]?”

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

“Oo, natatawang sagot ni Heaven, ”pinapasok ko na sa buhay ko. […] Sa ibang parte hindi pa.”

Samantala, ang best gift naman daw na ibinigay ni Marco kay Heaven ay kung paano siya nito tratuhin bilang babae.

Pero nang tinanong kung higit pa ba bilang magka-love team ang kanilang relasyon, sinabi ni Heaven na magkaibigan lang umano sila ni Marco.

“Best of friends,” saad niya.

Gayunpaman, hindi raw nag-eentertain si Heaven ng ibang lalaki sa buhay niya dahil may Marco naman daw siya.