Kaloka ang pag-amin ni Kapuso actor EA Guzman na may isang taon na raw siyang hindi nagsasarili nang sumalang siya sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz kamakailan

Sa isang bahagi kasi ng vlog ay naitanong ni Ogie kung kailan huling ginawa ni EA ang “karaniwang ginagawa ng mga lalaki.”

“Ako siguro, a year. Isang taon na,” saad ni EA.

Ayon kasi sa aktor, nakokonsensya raw siyang gawin ang pagbabate. Gusto raw niyang i-save ang semilya niya sa araw na sila ay makasal ng fiancee niyang si Shaira Diaz.

Matet De Leon, ibinuking kung anong klaseng ina si Nora Aunor

“Parang hindi totoo, ‘no? Pero kinakaya niya,” segunda naman ni Shaira.

Matatandaang hanggang ngayon ay hindi pa rin isinusuko ni Shaira ang kaniyang bataan kahit enagaged na siya kay EA..

MAKI-BALITA: Kahit hirap na ang jowa: Shaira Diaz, ‘di pa rin isinusuko ang ‘bataan’

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam ay inamin ni EA na minsan ay nahuli raw siya ni Shaira na nanonood ng porn.

MAKI-BALITA: Shaira Diaz, nahuling nanonood ng porn si EA Guzman