Single ngayon at walang jowa ang Vivamax star na si Salome Salvi pero hindi raw siya interesadong makipagrelasyon.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Abril 21, ibinahagi ni Salome kung bakit mas pinili niyang hindi magkaroon ng jowa.

“Are you in a relationship ngayon?” usisa ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga.

“No,” mabilis na sagot ni Salome,” and I’m not interested.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“I had one relationship to date in my life and that relationship failed. And parang after the failure of that relationship, I realized that ‘maybe it’s not for me right now',” aniya.

Dagdag pa ni Salome: “Kasi there’s a lot of work and lot of trauma that I have to unlearn within myself. And I believe naman na hindi mo kayang magmahal kapag hindi mo mahal ang sarili mo. And nando’n pa ako sa journey na ‘yon.”

Gayunpaman, hindi naman daw isinasara ni Salome ang posibilidad na pumasok sa isang relasyon sa oras na handa na siya.

“But right now, I have my goals. Wala pa ‘yong relationship in the picture,” saad niya.

Kaya naman, ginagawa niya ang lahat ng makakaya para maging mahusay sa kaniyang trabaho lalo na ngayong siya ay nasa mainstream media na. 

Dahil bukod sa paggawa ng porn at pagganap sa ilang pelikula sa Vivamax, si Salome ay mapapanood din sa teleserye ng GMA Network na “Black Rider” bilang si “Annabel.”

MAKI-BALITA: Salome Salvi sa paggawa ng porn: ‘Masaya ako sa ginagawa ko’