How true ang balita na hindi raw nagpansinan sina “It’s Showtime” host Kim Chiu at Kapamilya actress Janine Gutierrez matapos nilang magkita sa ASAP Natin ‘To?

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Sabado, Abril 20, sinabi ni showbiz insider Ogie Diaz na sa halip daw na si Janine ang pansinin ay si Janella Salvador umano ang binati ni Kim.

“Si Kim Chiu at saka si Janine Gutierrez nagkita sa ASAP pero hindi nagbatian. Ang nagbatian daw ay si Janella at si Kim Chiu. Nagkumustahan,” saad ni Ogie.

“Pwedeng hindi nagkibuan o hindi talaga nagkita. O hindi nagtagpo ang kanilang landas. Pero pasasaan ba’t all work lang naman ‘yan. Kim, Paulo,” aniya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Matatandaan kasing nakitaan ng chemistry sina Kim at Paulo Avelino simula noong gumanap sila sa TV series na “Linlang”. Nasundan pa nga ito ng “What’s Wrong With Secretary Kim?” 

MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’

MAKI-BALITA: Matapos ang ‘Linlang’: Paulo, Kim posibleng magkatuluyan?

Dahil dito, umugong tuloy ang bali-balitang hiwalay na raw sina Janine at Paulo kahit wala pa namang opisyal na pahayag ang dalawa tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

MAKI-BALITA: Janine, Paulo, split na?

Pero inamin ni Janine sa isang panayam na may espesyal na ugnayan daw na namamagitan sa kanila ni Paulo.

MAKI-BALITA: Janine Gutierrez, inaming ‘espesyal’ ang namamagitang ugnayan nila ni Paulo Avelino

 Sa katunayan, nanligaw pa umano sa kaniya ang aktor.

MAKI-BALITA: Janine Gutierrez, inaming niligawan ni Paulo Avelino noon; ano ang score ng relasyon nila ngayon?

Isang buwan matapos maiulat ang tungkol sa kanilang hiwalayan, kasunod namang lumutang ang balitang nagkabalikan umano ang dalawa.

MAKI-BALITA: Paulo Avelino, Janine Gutierrez nagkabalikan na?

Ngunit sa isang episode ng “Showbiz Update” noong Pebrero, napag-usapan sa vlog ni Ogie na hiwalay na ulit sina Paulo at Janine.

MAKI-BALITA: Paulo Avelino, Janine Gutierrez hiwalay na naman ulit?

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang pahayag sina Kim at Janine para kumpirmahin o pabulaanan ang balita na hindi umano sila nagpansinan.