Hindi maka-get over ang mga netizen at viewers sa pagpasok ni Vivamax star Angeli Khang sa action-drama series na "Black Rider" na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

Mukhang may chemistry naman daw sina Ruru at Angeli, at in fairness, talagang lumalaban sa ratings pagdating sa katapat nitong programang "FPJ's Batang Quiapo" na nagpapapasok din ng mga social media personality at influencers sa kanilang serye.

Sa mismong post ng GMA Public Affairs, sinabi nilang "nagpatikim" na raw si Angeli kay Ruru, lalo na sa aktingan.

May hashtag nga itong #NimfaTikim.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

"Ano kaya ang unang patikim na eksena sa pagtatagpo nina Elias at Nimfa?" mababasa sa caption.

First time kasing magsama sa isang proyekto ang dalawa, at ang nakakaloka pa rito, inamin nila na ang naging unang bonding nila ay "halikan" agad!

Kissing scene daw kasi ang unang kinunan sa kanila, bagay na huli na raw naipagpaalam ni Ruru sa kaniyang girlfriend na si Bianca Umali.

MAKI-BALITA: ‘First scene kiss agad! Tukaan nila ni Angeli, ‘di agad nasabi ni Ruru kay Bianca

MAKI-BALITA: Bianca, dedma kay Angeli; habang-buhay mamahalin si Ruru

Pero sey naman ni Angeli, trabaho lang naman daw at walang personalan. Aminado si Angeli na nanibago siya dahil ito ang beses na umarte siya para sa telebisyon.

"First scene namin ni Ruru, kiss agad. Sabi nga namin, wala man lang bonding? Heto na 'yong bonding namin, kiss na. Heto na 'yong bonding natin, kiss na agad," aniya.

MAKI-BALITA: ‘Bianca, pakatatag daw!’ Unang bonding nina Ruru at Angeli, kiss agad

MAKI-BALITA: Angeli Khang ‘nagpatikim’ na kay Ruru Madrid

Kaya naman, binibiro ng mga netizen na "Vivamax sa free TV" ang Black Rider at may tumatawag pa ritong "Vivamax Rider."

Narito ang ilan sa mga birong hirit ng netizens:

"Black rider na may konting vivamax"

"Vivamax na may konting black rider"

"Viva max na yan"

"Parang Vivamax vibe na hahahaha."

Samantala, sa mismong post ng GMA Public Affairs Facebook page, inaddress na nila ang isyu sa pamamagitan ng paggawa ng meme.

Ginamit nilang larawan ang larawan ng pagkikita nina Angeli at Ruru.

"Pinagsabihan tuloy kayong mga basher ni Nimfa!" mababasa sa caption.

Sa meme naman, mababasa ang "'Black Rider' pa rin ba ang pinapanood ko?"

"OO, 'BLACK RIDER' PA RIN 'TO!"

"PANOORIN MO KASI NANG BUO! HINDI 'YUNG BASHING NA LANG ANG INATUPAG MO!"

Samantala, gabi-gabing mapapanood ang serye sa GMA Network tuwing 8:00 ng gabi.