Sinagot ni comedy genius Michael V. o mas kilala rin bilang “Bitoy” ang lumulutang na usap-usapan hinggil sa nalalapit na pagtatapos umano ng “Pepito Manaloto.”

Matatandaan kasing nagbahagi si Bitoy kamakailan ng isang larawan kung saan makikitang magkakayakap ang ilang cast ng naturang sitcom sa kaniyang Facebook post na may kalakip na madamdaming caption.

“Pepito Manaloto is more than just a fictional family on TV.  It’s a real family that extends to its cast, writers, staff, crew, the network and most of all, our beloved audience,” saad ni Bitoy.

“Maraming, maraming salamat po sa oras at pagmamahal ninyong lahat,” dugtong pa niya.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Dahil dito, lumutang ang espekulasyong magtatapos na ang nabanggit na sitcom. 

Pero sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, Abril 20, pinabulaanan ni Bitoy ang mga haka-haka. 

“Diretsahang sagot, hindi. ‘Yong photo naman na ‘yon, ‘yong group hug na ‘yon…parang remembrance, appreciation. Natuwa lang kami na after all these years, pandemic, magkakasama pa rin kami,” paliwanag ng comedy genius.

Sabi naman ng co-star niyang si Manilyn Reynes: “Naiiyak kami kasi hindi po namin maisip na hanggang ngayon, sa tinagal-tagal ng ‘Pepito,’ hanggang ngayon, 14 years na kami, talagang nandiyan sila [sa] simula’t simula. Nakakataba ng puso.”

Mapapanood ang naturang sitcom tuwing Sabado, 7 ng gabi, sa GMA Network.