Umamin ang Kapuso actor na si EA Guzman na nahuli raw siya minsan ng fiancée niyang si Shaira Diaz na nanonood ng porn.

Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz nitong Biyernes, Abril 20, ikinuwento ng engaged couple ang nakakatawang karanasan nila.

“Ako diin, hindi na. One time kasi nahuli niya ako, e. Tapos na ako sa gano’n,” saad ni EA.

“No’ng nakita ko ‘yong history—na hindi ko inaasahan—’ano ‘to? Sino ‘to?’ [...] Sabi niya kasi tapos na raw siya d’on. Ganyan. Matanda na raw siya para do’n. Ta’s nakita ko ‘yong history, mayroong ano. Tapos umiyak ako,” segunda naman ni Shaira.

Teleserye

Janine Gutierrez, kinaiinisan pero pinupuri ang pag-arte

“Umiyak ako kasi nasaktan ako. Kasi syempre, sinasabi kasi nila na normal lang sa lalaki na manood ng gan’to, ganyan-ganyan. Bakit parang kailangang i-normalize?” aniya.

Dagdag pa ni Shaira: “Kasi para sa akin, ha, parang kung nanonood ka no’n edi parang pinagpapantasyahan mo ‘yong ibang babae. [...] Hindi ko alam. Basta, nasaktan talaga ako.

Matatandaang hanggang ngayon ay hindi pa rin isinusuko ni Shaira ang kaniyang bataan kay EA kahit enagaged na siya sa aktor.

MAKI-BALITA: Kahit hirap na ang jowa: Shaira Diaz, ‘di pa rin isinusuko ang ‘bataan’