Wala raw pakialam ang beteranang aktres na si Celia Rodriguez sa mga taong natatakot sa kaniya at tinitingnan siya bilang mataray na artista.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Abril 9, naitanong ni Boy kung nasabihan na ba si Celia na “nakakatakot” o “mataray.”

“Nabansagan ako ng gano’n. And I don’t care. Because I cannot please you If I don’t please myself. This is me and that is you,” saad ni Celia.

“I bring joy, you bring tragedy. That’s not my fault. This is me. I cannot be anybody else. You either take me or you don’t,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sa unang bahagi kasi ng panayam, ibinahagi ni Celia na ang pinakamahalagang aral na natutuhan umano niya bilang isang artista sa industriya. Ayon sa kaniya, magpakatotoo sa sarili at huwag maging hipokrito.

“Be honest about how you feel. Kung gusto mong sumigaw, sumigaw ka. Kung gusto mong tumawa, tumawa ka. Don’t be hypocrite,” aniya.

Matatandaang kilala si Celia sa industriya bilang "The Original Glamorous Movie Star" dahil sa kaniyang husay at natatanging pag-arte. Sa kasalukuyan, mapapanood siya sa teleseryeng “Stolen Life” ng GMA Network.