Hindi raw galit ang mag-inang sina Cassy Legaspi at Carmina Villaroel sa “It’s Showtime” host na si Darren Espanto.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Abril 15, nilinaw ni Darren na hindi sila nag-away ni Cassy.

“What is the truth? Hindi kayo nag-aaway?” usisa ni Boy.

“Opo,” sagot ni Darren, ”hindi po.”

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

Ayon kay Darren, alam daw niya na mahilig talagang mag-post ng mga inspirational at motivational quotes si Carmina. Gayundin si Cassy sa mga hilig at paborito nitong kanta.

MAKI-BALITA: Resbak para kay Cassy? Cryptic post ni Carmina, pasaring daw kay Darren

MAKI-BALITA: Matapos ang ‘resbak’ ni Carmina; Cassy, nagpasaring din kay Darren?

"That's something I clarified with her: 'If your mad at me, if I did anything wrong, please tell me. She doesn't have any ill feelings towards me — she and her family."

Matatandaang nangyari ang naturang pang-iintriga ng mga netizen sa mga post ng mag-ina simula noong i-reveal ni Darren sa isang episode ng “It’s Showtime” na mag-bestfriend lang sila ni Cassy at wala siyang girlfriend.

MAKI-BALITA: Sey mo Cassy? Darren Espanto may inamin, walang girlfriend ngayon

Sa isang panayam, kinumpirma naman ni Cassy na totoo ang sinabing ito ni Darren tungkol sa kanilang dalawa.

MAKI-BALITA: Cassy Legaspi, nagsalita na tungkol sa relasyon nila ni Darren Espanto