Tila manhid na ang beauty queen at Kapuso actress na si Herlene Budol mula sa mga pambabatikos na natatanggap niya online.

Sa latest YouTube video kasi ng Sparkle GMA Artist Center noong Sabado, Abril 13, inusisa si Herlene kung naaapektuhan pa siya ng mga sinasabi sa kaniya ng mga netizen sa social media.

"Hindi mo naman kasi lahat mapi-please, e. ‘Yon nga sinasabi ko palagi. Kahit naman anong gawin ko, mapabuti, mapamasama, may masasabi't masasabi pa rin ‘yong tao,” pahayag ni Herlene.

“Kahit anong maging itsura ko, anong maging suot ko, maging pananamit ko, may masasabi't masasabi pa rin naman sa akin, e. Kaya ine-enjoy ko na lang mabuhay,” aniya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dagdag pa ni Herlene: “Kumbaga, live with it. Mabuhay ka na nandyan na talaga sila."

Kaya naman, marami raw siyang na-realize nang kumasa siya sa #SparkleDetox challenge ng Sparkle GMA Artist Center.

“Parang para sa akin, ang haba pala ng araw. Kasi pag nasa bahay ako, sinasabi ko palagi: ‘Ano ba ‘yan? Ang bilis ng oras. ‘Yon pala naubos lang kaka-cellphone. Ngayon, mas nakukulangan ako sa araw,” lahad pa niya.

Matatandaang kamakailan lang ay naging sentro ng intriga si Herlene matapos siyang mabosohan nang live.

MAKI-BALITA: Herlene Budol nagpaliwanag matapos mabosohan sa live