Usap-usapan ng mga netizen ang balitang pinagbubura na ni Kapuso star Bea Alonzo ang mga larawan, video, at posts na kasama niya ang ex-boyfriend na si Dominic Roque.

Kung bubusisihin daw ang Instagram account ni Bea ay mapapansing "malinis" na at wala na ang mga post na may kaugnayan kay Dom.

Kung gayon daw ay taliwas ito sa mga bali-balitang inaayos ng dalawa ang kaniyang relasyon at baka posible pa ang kanilang pagbabalikan.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens tungkol dito.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

"Gumawa ng drama para mas mapag-usapan. You are so hard to understand. Baka nga mas ok ka na lang poreber single."

"Oh nag-give up na ba?"

"Papansin kasi. Ayan dinelete na ni B para matapos na ang speculations."

"Kulang sa pansin & clout chaser yang si Dom🙄 good job, girl!! Napaka-user kasi."

Samantala, napabalita naman kamakailan na ang wallpaper ni Dominic sa kaniyang cellphone ay larawan ni Bea at pet dog nito.

Matatandaang kinumpirma ni Bea ang hiwalayan nila ni Dominic noong Pebrero 2024.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, binasag na katahimikan sa hiwalayan nila ni Dominic Roque