Maging ang Kapamilya actress na si Alexa Ilacad ay tila humanga sa taglay na sex appeal ni “It’s Showtime” host Darren Espanto.

Sa latest Instagram post kasi ni Darren nitong Linggo, Abril 15, ibinahagi niya ang teaser ng “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan siya ang magiging guest.

Batay sa teaser, pag-uusapan sa naturang talk show ang tatlong babaeng nali-link kay Darren na sina Cassy Legaspi, Jillian Ward, at Kyline Alcantara.

Sey tuloy ni Alexa: “makamandag talaga tong hijo ko”

Ogie Diaz, pinayuhan ang BINI na 'wag nang mag-Jabbawockeez ulit

“@alexailacad HAHAHAHA ALEXAAAA,” tugon naman ni Darren.

Umani ng samu’t saring reaksiyon ang sinabing ito ni Alexa mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang komento:

“pogi problems 😌”

“ahahaha pogi problems ..hahha ang gwapoo po kasi ng iho nyo!! 😁🥰”

“habulin ng chiks ang hijo mo alexa... bantayan na yan! hahaha charrr! 😂”

“hahhaha..iba na ang POGi!! Grabee ang karisma mo kasi!! 🥰🥰🥰”

“trueee po!! Mahirap talaga pag malakas ang karisma at gwapoo !! Pahaba ng pahaba ang pila dyan!! Yieee.diba beh“

“pogi eh”