How true ang bali-balitang nanliligaw na umano si Asia’s Multimedia Star Alden Richards kay Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo?

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Abril 14, iniulat ni showbiz columnist Ogie Diaz ang nasagap niyang impormasyon tungkol sa real-score nina Alden at Kathryn.

“According to my source—sa kampo ni Kathryn—nanligaw na nga itong si Alden kay Kathryn. At makikita naman daw ‘yan sa kanilang body language,” saad ni Ogie.

“At gustong-gusto raw ng pamilya ni Kathryn si Alden. Kasi raw [...] si Alden ay isang negosyante, si Alden ay financially stable, responsable. Kaya raw natututwa at naaaliw kay Alden ‘yong pamilya ni Kathryn,” dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Melai Cantiveros, itinangging niloko siya ni Jason Francisco

Matatandaang kamakailan lang ay muling kinakiligan ng fans ang pagdalo ni Alden sa housewarming party ni Kathryn para sa bago nitong bahay.

MAKI-BALITA: Alden present sa housewarming party ni Kathryn

Pero bago pa man ito ay naispatan din si Alden sa surprise birthday party ni Priscilla Tañedo o “Boop Yap” para kay Kathryn kung saan naispatang magkayakap ang dalawa.

MAKI-BALITA: ‘Pa’no si Jericho?’ Alden at Kathryn naispatang magkayakap

Dahil dito, hindi tuloy naiwasang tanungin si Alden sa isang panayam kung ano na nga ba ang real-score sa pagitan nila ni Kathryn.

MAKI-BALITA:  Alden sa relasyon nila ni Kathryn: ‘What you see is what you get’