Naantig hindi lamang mga netizen kundi maging si Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda sa viral TikTok video ng isang face painter kung saan ibinahagi niya ang engkuwentro sa isang batang nagtanong sa kaniya kung may bayad ba ang pagpapapinta sa kaniya.

Sa nabanggit na video, matiyagang naghintay raw ang bata na mapintahan ang mukha ng iba pang bata, bago nagtanong sa face painter at uploader ng video na si "Angelica Siosonn."

Nang sabihin daw niyang libre ito, ganoon na lamang ang ngiting sumilay sa mukha ng bata. Nagpapinta ito ng mukha ni Spider-Man.

Nakarating naman ito sa kaalaman ni Vice Ganda at shinare ang video sa kaniyang X post.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

"Awwww!!! Who knows this kid? I wanna meet him," anang Vice Ganda.

[embed]https://twitter.com/vicegandako/status/1779007144408600696[/embed]

Batay naman sa comment section sa TikTok, sinabi ni Angelica na noong Marso pa ang nabanggit na event.

Sinagot din ni Angelica ang komento ng isang netizen na ginawa raw niyang content ang bata para pagkakitaan.

"I work as a call center agent and as a face painter. Hindi po ako kumikita sa pag post ko ng vids here. My only intention is to show people what kindness can do to other people's lives," aniya.

[embed]

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang balita kung nagkita na ba sina Vice Ganda at ang bata.