Nakakaloka ang laman ng Facebook profile ng Sparkle GMA artist na si Cassy Legaspi matapos isiwalat ni “It’s Showtime” host Darren Espanto ang real-score nila.

Sa mga recent post kasi ni Cassy, kapansin-pansin na sunod-sunod ang pagpapaskil niya ng video kung saan makikitang magkasama sila ni Darren.

Kaya naman, hindi naiwasan ng mga netizen na magbigay ng kani-kanilang reaksiyon hinggil sa ginagawa ni Cassy. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Woy move on na te,ganun tlga minsan yung gusto nating Tao Hindi binibigay satin Mas may deserving pa para sayo. Stop na Kaka post about sakanya napag hahalataan ka lng na obsessed.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“value yourself first and stop posting pics of someone who’s denying the real score to the whole world ; might as well save your self esteem and find someone who’s worth it”

“NON STOP NA POST NYA SA KANILA NI DARREN,PARANG HINDI NA NORMAL SOBRANG AFFECTED NA UTAK NYA NA BESTFRIEND LNG TAWAG NI DARREN SA KANYA NAG ASSUME KZ SYA...KAILANGAN NA NYANG MGPA COUNSELLING....”

“maybe she just agreed to darren's statement that they are friends but in reality they are more than just friends.kaya she post this videos to show na iba yung sinasabi nila kaysa totoong nangyari”

“Baka she needs counselling na. Seek help po for your mental health. Snooze nlang po muna until ok na kayo.😊”

“amacana day move on na”

Matatandaang sa magkahiwalay na panayam ay parehong kinumpirma nina Darren at Cassy na best friend lang umano ang turingan nila sa isa’t isa.

MAKI-BALITA: Cassy Legaspi, nagsalita na tungkol sa relasyon nila ni Darren Espanto

MAKI-BALITA: Darren, tinuldukan na ang isyu tungkol sa relasyon nila ni Cassy