Nagbigay ng reaksiyon ang Kapamilya star na si Gerald Anderson kaugnay sa pagkikita at pag-uusap ng girlfriend niyang si Julia Barretto at ex-girlfriend niyang si Bea Alonzo.

Sa eksklusibong panayam kasi ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe nitong Sabado, Abril 13, inusisa niya ang aktor tungkol dito.

“Gano’n talaga. Time heals. And basta moving forward lahat,” saad ni Gerald. 

Nangyari ang naturang pagkikita nina Bea at Julia sa ginanap na surprise birthday party sa starmaker at dating chairman emeritus ng Star Magic na si Johnny “Mr. M” Manahan, na consultant na ngayon ng Sparkle GMA Artist Center.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

MAKI-BALITA: Bati na? Bea at Julia, naispatang nag-beso at nagtsikahan

Matatandaang hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Bea at Gerald as a couple dahil lumalabas na ghinost umano ng huli ang aktres. 

Lumutang din ang intriga na tila sinulot umano ni Julia si Gerald kay Bea.

Sa kasalukuyan, abala si Gerald sa pag-eensayo para sa basketball tournament na iikot daw sa anim na siyudad sa Asya.