Pinuna ng isang netizen ang pamimisikal umano ni Unkabogable Star Vice Ganda sa kaniyang “It’s Showtime” co-host na si Anne Curtis.

Sa X post ng naturang netizen nitong Sabado, Abril 13, sinabi niyang wala naman daw problema kung mag-asaran sina Vice at Anne basta’t hindi aabot sa pisikalan.

“Ok lang yung mag bwisitan at asaran pero wag mong pisikalin si Anne Meme, respect mo parin pagiging babae nya,” saad ng netizen.

“I have watched one time sa Tawag ng Tanghalan biniro ka ni Jhong may nilagay sa buhok mo tapos bigla mong sinabunutan si Anne napagbintangan mo sya. Respect mo parin sya,” dugtong pa niya. 

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Tumugon naman si Vice Ganda sa paninitang ito ng netizen at sinabing huwag daw silang alalahanin.

“Kami mo po ang may relasyon kaya kami po ng magdedecide kung paano kami maghaharutan. Iba iba po ang dynamics ng mga magkakaibigan. ❤️” paliwanag ng komedyante.

Umani ng samu’t saring reaksiyon ang sagot na ito ni Vice Ganda mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Mas affected pa yung iba kaysa sa inyo. HAHAHAHA."

“Mga tawo andaming napapansin. Lahat big deal. Hay naku."

“almost 15yrs na kayong magkaibigan at naghaharutan ni Anne,ngayon ka lang ininform kung pano mo sya haharutin ng tama sa panlasa nila😂😂😂”

"ang daming perfect ahahahaa.. ang daming sensitive.. mga pakialamera at pakialemero... ahahahhhhaha..."

"First time yata ni che makanuod ng showtime physical hosting na prepandemic pa uso."

"Yes.. alam po nila limit nila.. they have so much respect for each other and pag yung time na naoover,naguusap sila sa back stage kaya nga diba mahabang magmessage si Anne.. 🥰"

"Ganyan din kami mg harutan mga kaibigan q minsan sobra pa! Pag pikon ka  mas lalo lang aasarin hahahaha kaya wla karapatan mapikon ahahahah bwesit"

"Madami kasing paladesisyon sa buhay ng iba 😂😂😂"