Dedma lang daw ang “Eat Bulaga” sa mataas na ratings ng katapat nitong noontime show na “It’s Showtime.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Biyernes, Abril 12, pinabulaanan ni showbiz columnist Cristy Fermin ang lumutang na balitang nagkaroon daw ng emergency meeting ang “Eat Bulaga” at Media Quest.

“‘Yong nagpapakalat po ng kuwento na nag-emergency meeting daw po ang Tito, Vic, Joey at ang Media Quest, wala pong katotohanan ‘yan. Unang-una, ano po ang kailangan nilang maging dahilan para sa isang emergency meeting?” saad ni Cristy.

“‘Yong opening, nagtapatan. Pero ‘yong Lunes at Martes po habang pressured na pressured po ang ‘It’s Showtime’ at talagang ‘di nila halos malaman ang gagawin, tape po ang Eat Bulaga ng Lunes at Martes,” aniya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Dagdag pa ng showbiz columnist: “‘Yon ba ang pressured? ‘Yong tinapat sa inyo naka-tape? Chillax na chillax. Nag-gogolf ang mga bida. Chillax na chillax ang mga Dabarkads.”

Bukod pa rito, pinabulaanan din ni Cristy ang bali-balitang nalulugi na umano ang Eat Bulaga. Ito ay matapos ilabas ng Nielsen Philippines NUTAM People Ratings ang ratings sa pagitan ng dalawang nabanggit na noontime show noong Sabado, Abril 6.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime,’ nilampaso ang ‘Eat Bulaga’ sa ratings