Usap-usapan ng mga netizen ang wallpaper sa cellphone ng aktor na si Dominic Roque, matapos mahagip ng matatalas na mata ng fans na larawan pa rin ng ex-girlfriend na si Bea Alonzo ang naka-display rito.

Ang bilis talaga ng mata ng mga netizen dahil ilang segundo lang nahagip sa camera ng cellphone ng isang lalaking fan ang CP ni Dominic, subalit agad nilang naispatang si Bea nga ang nasa wallpaper nito kasama ang pet dog.

Makikita ito sa Facebook reel ng nagngangalang "Bonal Robel."

Agad na nahagilap ng mga netizen kung alin sa mga larawan ni Bea ang ginamit na wallpaper ni Dominic.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Kaya panawagan ng mga netizen, sana raw ay mabigyan pa ng second chance ang dalawa at mukhang hindi pa talaga nakaka-move on si Dominic sa nangyaring hiwalayan nila.