Naaamoy na umano ng mga netizen ang nalalapit na sequel ng “Hello, Love, Goodbye,” na isa sa mga may pinakamalaking kinitang pelikula sa kasaysayan ng Star Cinema.

Sa latest Instagram post kasi ni Direk Cathy Garcia-Sampana nitong Huwebes, Abril 11, matutunghayan ang kaniyang kuhang video sa Hong Kong International Airport kasama si Star Cinema's Creative Head Carmi Raymundo.

“Nostalgic… hihi,” saad niya sa caption.

Bukod pa rito, maririnig din sa naturang video na binigkas ng direktor ang opening spiel ni Kathryn sa pelikula. 

Pelikula

Rason kung bakit halos laging absent si Anne Curtis sa It’s Showtime, buking

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Hoping for HLG sequel ❤️”

“Goodluck direc!! All support for Kathryn here and you power tandem! Cathy-Kathryn-Carmi 🙌🔥👏”

“Lakas mang-asar ni direk kung alam mo lang direk matagal na kami naghihintay😂 amoy part 2 na this nararamdaman ko na😍”

“HLG part 2 na po please dami po nagaabang isa nako dun!🥹💕🙏”

“nangangamoy HLG part2 praying🙏🙏🙏”

“Oh my part 2 ❤❤❤❤🙌🙌🙌”

Matatandaang matagal nang hinihirit ng fans ang sequel ng “Hello, Love, Goodbye” at ngayong single na si Kathryn ay lalong lumalakas ang panawagan na ituloy ito. 

MAKI-BALITA: Fans ng ‘Hello, Love, Goodbye’ nina Kathryn Bernardo, Alden Richards, hirit na ang sequel

Samantala, kamakailan ay lumitaw naman ang tsika tungkol sa umano’y panghaharang ng ex-jowa ni Kathryn na si Daniel Padilla para hindi matuloy ang part 2 ng naturang pelikula.

MAKI-BALITA: Daniel hinarang daw ang part 2 sana ng ‘Hello, Love, Goodbye’ dahil sa selos?