Dinepensahan ni showbiz columnist Cristy Fermin ang aktres na si KC Concepcion dahil sa natatamo raw nitong hindi magagandang komento mula sa mga netizen.

Sa isang episode ng kaniyang programang “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Abril 8, iniulat ng showbiz columnist ang dahilan kung bakit umano kinukuyog si KC.

“Si KC kawawa naman, bina-bash. Kasi nga ‘yong pagkikita-kita nilang kapatid sa ama. ‘Paano ba naman ‘tong batang ito. Puro na lang ‘yong sa kapatid sa ama ang inaatupag hindi man lang makipag-bonding sa anak ng mommy niya’ Kay Senator Kiko raw,” lahad ni Cristy.

“Paano kaya ‘yon, ano? E, paano kung talagang ang nagyayaya naman kay KC ay ‘yong mga anak ni Gabby [Concepcion] ‘di ba,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Kaya ang pakiusap ni Cristy: ‘Huwag na lang po nating masyadong i-bash si  KC. Siya na rin po ang nagsabi na mayroon siyang tatay, mayroon siyang nanay. Pero bakit gano’n parang siya ‘yong walang pamilya.”

“Hindi niya alam alam kung saan siya pupunta dahil parang alone ang tingin niya sa sarili niya,” dugtong pa niya.

Nilinaw din ni Cristy na hindi umano nangangahulugan na dahil nasa poder si KC ngayon ng mga kapatid nito sa ama ay hindi na nito gusto ang mga kapatid  nito sa ina.

“Hindi po totoo ‘yon. May panahon po siya para sa kaniyang ina at mga kapatid. Hindi lang siya nabibigyan ng pagkakataon na magsama-sama,” wika ng showbiz columnist.

Matatandaang si Gabby ang kasama ni KC na nagdiwang ng Pasko noong nakaraang taon. Iyon ang unang beses na nakasama niya sa noche buena ang pamilya ng kaniyang ama.

MAKI-BALITA: Gabby, KC sinulit ang pagsasama sa Amerika