Pinag-uusapan ngayon sa isang Facebook group ang post ng isang misis kung saan ikinuwento niyang ayaw raw siyang pagtrabahuhin ng kaniyang mister pero tila minamaliit siya nito.

Sa Facebook group na “Homepaslupa Buddies 4.0,” in-upload ng isang Facebook user ang screenshot ng post umano ng isang misis tungkol sa kaniyang mister.

Trending

Guro ginawang 'patay' sa Teachers' Day greetings; umani ng reaksiyon sa netizens

screenshot mula sa FB group/Homepaslupa Buddies 4.0

“Ayaw ng husband ko magtrabaho ako. Nanawa na lang ako kakasabi na gusto ko na magtrabaho pero ayaw [niya] kasi [siya] na raw ang bahala sa lahat, ang isipin ko na lang daw ay ‘yung anak namin at ang bahay,” panimula ng misis.

“But I feel hurt earlier while binibihisan ko ang anak ko. Bigla [siyang] lumapit ang he said these words to our na ‘anak [mag-aral] kang mabuti para hindi ka magaya sa mama mo na naglilinis lang ng sahig.’ Nagpantig ang tenga ko sa mga narinig ko. Sobrang sakit,” kwento nito.

“Sabi ko ‘’di ba ilang beses na kita sinabihan na kumuha ka ng nanny para [makapagtrabaho] na ako pero ayaw mo!’ Ayun nanahimik lang [siya] sabay change topic sobrang nakakaasar. ‘Yung luha ko lalabas na pero pinigilan ko na lang kasi patay malisya agad [siya]. Binalewala ko muna ang sarili ko para pagsilbihan ang pamilyang binuo namin tapos ganito lang ang matatanggap ko galing sa kanya,” sambit pa niya.

“Degree holder ako tapos [siya] high school graduate pero [lagi] [niya] ako minamaliit porket [siya] ang kumikita ng pera. [Siya] [rin] naman namimilit na sa bahay lang ako. Hay ang sarap iwan ng ganitong klaseng asawa. I’m literally sobbing while typing this.”

Sa huling parte, pinayuhan niya ang kababaihan na dapat magkaroon ng sariling pera.

“To all the women na makakabasa nito [please] don’t be like me. Have your own money para ‘di [n’yo] maranasan ‘tong nangyayari sa’kin."

Samantala, naglabas din ng saloobin ang netizens tungkol sa hinanakit ng misis.

"Asan ba yang asawa mo ng masampiga. Sakanya ko ibuhos init ng ulo ko."

"Ayaw ka nyang mag trabaho kase kakainin sya ng pride nya, alam nyang mas malki ang kikitain mo pag ikaw ang nag trabaho kesa sa kinikita nya ngayon pag mag trabaho ka, ,kapal ng muka nya akala nya npka dali ng trabaho sa bahay"

"Kawawa ung bata naririnig ung mga ganyan usapan nang mga parents nya. Kung ako sayo iwan mo na. Walang kwenta talaga mga ganyan na lalaki"

"Gaslighting at its finest. Manipulator kuntodo si mister. Kung ako yan iniwan q yan at dalhin anak q, umuwi sa parents para makapagtrabaho, tpos kapag nakaraos na tsaka bubukod mag ina sa malayo sa bwiset na mister na yan"

"Kung ako nasa sitwasyon mo iniwan ko na yan kami nga na nagbabasa lang dito nasaktan na, ikaw pa kaya na personal na pina rinig sayo. He doesn't deserve you"

"Mainit ulo ko ngayon, dalhin mo sa akin asawa mo para sa kanya ko ibuhos ang init ng ulo ko. Gustong gusto ko pa man din manakit ngayon."

"Yun na nga yun, nakapagtapos ka, siya hindi. Yung insecurity niya halatang halata kasi alam niya na pag kumuha ka ng trabaho, mas malaki kikitain mo kesa sa kanya kasi may credentials ka. Kaya ayaw ka niya pagtrabahuin kasi mayuyurak pagkatao niya kasi yang mga lalaki ayaw nila ng babaeng mas malaki ang sweldo sa kanila. Either mamaliitin nila or hihilahin nila pababa. It's a shame na nagpabuntis ka sa ganyang klaseng narrow-minded na tao"

"ito lang yan. hes keeping you at bay kasi he knows na when you work, you’ll reach greater heights than him. ang lalaking takot na masilaw sa liwanag ng asawa ay hindi deserve magkaroon ng asawa. ang tunay na lalaki, pantay ang tingin sa kapasidad/kakayahan ng babae."

"Kadiring lalake! You can’t do this, you can’t do that kasi binubuhay ka niya?. Hindi ka mag gogrow girl sa ganyan degree holder ka gurl ruuuuuun! Manipulative at gaslighter yan never ever umasa kasi pag iniwan ka mahirap mag start ng walang wala. Kaya boys/girls you have to have backbone."

------

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.