Nagulat umano ang Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto matapos mag-trending ang pangalan nila ng “Abot-Kamay na Pangarap” star na si Jillian Ward.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Linggo, Abril 7, sinabi ni Darren na nag-iisip na sila ng collaboration ni Jillian in the near future.

"Nagulat din ako trending din pangalan namin ni Jillian. May mga ships na. She’s very chill,” pahayag ni Darren.

“Nag-uusap na kami, nag-iisip ng collaboration in the future saka kung papayagan kung pwedeng tumawid," dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Inireto kasi si Darren ng kaniyang mga “It’s Showtime” co-host na sina Vice Ganda, MC, at Lassy kay Jillian nang bumisita ang huli sa naturang noontime show para maglaro ng “KaraoKids.” 

“May boyfriend ka, Jillian?” usisa ni Vice Ganda.

“Wala po,” tugon ni Jillian.

“May girlfriend ka ba, Darren?” tanong ng komedyante sa co-host.

“Wala,” sagot naman ni Darren sabay ngiti.

MAKI-BALITA: Sey mo Cassy? Darren Espanto may inamin, walang girlfriend ngayon

Matatandaang inili-link din si Darren sa anak ni Carmina Villaroel na si Cassy Legaspi pero matagal nang nilinaw ng dalawa na magkaibigan lang umano sila.