Tila kumpirmasyon mula kay Kapamilya singer, actor, at TV host Darren Espanto na single siya ngayon at wala silang relasyon ng nali-link sa kaniyang si Cassy Legaspi, anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, at isa sa mga host ng nasibak na noontime show na "Tahanang Pinakamasaya."

Sa pasabog na Saturday episode kung saan ilan sa Kapuso stars ang naging panauhin sa unang pag-ere ng ABS-CBN noontime show na "It's Showtime" sa GMA Network, naipareha kasi si Darren kay Jillian Ward sa "KaraoKids segment," ang bida sa panghapong seryeng "Abot Kamay na Pangarap."

Inireto naman ng hosts na sina Vice Ganda, MC, at Lassy si Jillian kay Darren, matapos nilang purihin ang kagandahan nitong mala-manika raw.

"May boyfriend ka, Jillian?” untag ni Vice Ganda.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

“Wala po,” pakli ni Jillian.

“May girlfriend ka ba, Darren?” tanong ng komedyante sa co-host.

“Wala,” sagot ni Darren sabay ngiti.

Matatandaang si Cassy naman ay tinutukso sa Sparkle artist na si Michael Sager.

Bagama't nali-link sa isa't isa ay hindi naman inamin nina Darren at Cassy ang kanilang real score sa isa't isa, bagama't ang sinasabi nila kapag natatanong, sila ay very good special friends.