Inamin ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa na fan daw siya ng namamayagpag na love team nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Sa eksklusibong panayam ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe nitong Biyernes, Abril 5, tinanong niya si Kylie tungkol sa success ni Paulo, na co-star nito sa pelikulang “Elevator,” at Kim.

“I’m so proud of them. Actually fan ako ng KimPau. Hindi ako madaling kiligin. Sobrang kinikilig ako,” lahad ni Kylie.

“Pinanood ko ‘yong a bits and piece of it [What’s Wrong With Secretary Kim?] pero sa video pa lang nakita ko. Kinikilig ako, promise,” dugtong pa ng aktres.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Matatandaan kasing nakitaan ng chemistry sina Paulo at Kim simula noong gumanap sila sa TV series na “Linlang”. Nasundan pa nga ito ng isa pang proyekto sa ilalim naman ng Viu at ABS-CBN na ipo-produce ng Dreamscape Entertainment na pinamagatang “What’s Wrong With Secretary Kim?”

MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’

MAKI-BALITA: Matapos ang ‘Linlang’: Paulo, Kim posibleng magkatuluyan?

Anyway, ilalabas sa mga sinehan sa bansa ang “Elevator” nina Paulo at Kylie sa darating na Abril 24.