Kinakiligan ng mga tagahanga ng "KathDen" ang sorpresa at pa-flowers ni Kapuso Star Alden Richards kay Kapamilya Star at Asia's Outstanding Star Kathryn Bernardo para sa kaarawan nito.

Sa Instagram stories ni Priscilla Tañedo o "Boop Yap," makikita ang surprise birthday party nila para kay Kathryn. Isa sa mga surprise guests ay ang nakatambal nga ni Kathryn sa pelikulang "Hello, Love, Goodbye," ang second highest-grossing Filipino movie of all time.

Makikitang may handog na bouquet of flowers si Alden para kay Kathryn, at makikitang malugod naman itong tinanggap ni Kath.

Photo courtesy: Screenshots from @boopyap/IG

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Sa mga nagdaang araw, si Jericho Rosales naman ang shini-ship ng netizens kay Kath, matapos silang maispatang magkasamang nagja-jogging, at dahil sa madalas na pagkokomento ni Echo sa posts ng aktres.

Samantala, maugong ang tsikang baka magkaroon daw ng sequel ang HLG at baka maging official entry ito ng Star Cinema sa 2024 Metro Manila Film Festival, sa direksyon ulit ni Cathy Garcia-Sampana.

Pero wala pang kumpirmasyon mula sa Star Cinema o ABS-CBN patungkol dito.