Pinutakti ng iba't ibang reaksiyon at komento sa social media, lalo na sa TikTok, ang lumang video kung saan makikita raw na tila "inaambaan" ni Daniel Padilla ang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo noong sila pa, at magkasamang dumalo sa ABS-CBN Ball.

Makikitang dumalo sa isa sa ABS-CBN Ball ang KathNiel at tila nahagip ng camera ang tila bahagyang pagtaas daw ng kamao ni Daniel habang kausap si Kathryn, na noo'y napangiti na lamang.

Kapansin-pansin daw kasi na seryoso ang mukha ni Daniel at tila "gigil" ang bibig nito, bagay na lalong nagpalutang sa espekulasyong may pinag-uusapang hindi pinagkakasunduan ang dalawa. Napansin din ang paghawak na lang ni Kathryn sa batok at bahagyang paghawi sa kaniyang buhok habang tila may makahulugang titig kay Daniel.

Tsika at Intriga

Barbie Imperial, banas sa pages na nega na nga, sinungaling pa!

Dahil dito, binabansagan ngayon si DJ na "walking red flag" at tila vindicated si Kathryn na mas okay na naghiwalay na raw sila at mag-solo na lang.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens batay sa nakalap ng Balita sa iba't ibang comment section ng posts tungkol dito.

"Nagulat ako nakita ko lang. Anong masasabi nyo?"

"nanggigugil yung bibig ni Daniel"

"Kaya Pala iniwanan to c daniel ni Kathryn, may ugali na di maganda..."

"napagod na sa ugali ni daniel padilla."

"daniel padilla being rude to kathryn"

"thank you kathryn for being so strong! You don't deserve this man."

"I didn’t like Daniel for Kathryn from the very beginning. She was too good for him. I guess I have a hunch about what will happen."

Subalit pagtatanggol naman ng fans at supporters ng KathNiel at ni Daniel, hindi naman ito tototohanin ng aktor at ito ay paraan lang daw ng lambing at biro kay Kathryn.

Hindi rin daw dapat husgahan ang mga naging kilos ni Daniel dahil hindi naman daw narinig ang pinag-usapan ng dalawa. Isa pa, hindi naman daw lumapat ang mga kamay ng aktor kay Kath kaya masasabing walang sakitang naganap.

Depensa pa ng mga netizen, ito ay isang malinaw na paggawa lamang ng negatibong isyu kay Daniel na simula pa lamang ng break-up ay pinalalabas nang dehado.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Kathryn at Daniel tungkol sa isyung ito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.