Nagbigay na ng reaksiyon ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez sa nilait-lait na cover song niya ng "Versace of the Floor" ng Filipino-Puerto Rican-American singer na si Bruno Mars.

Tila hindi kasi nagustuhan ng mga netizen ang pagkanta ni Tom na mapapanood sa kaniyang TikTok account.

Makikitang todo-hirit si Tom sa mataas na tono ng kanta, na ayon sa mga netizen, ay tila naging "Mickey Mouse AI Version" na raw.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

"Versace on the floor - Mickey Mouse AI cover"

"Alexa, play versace on the floor by Mickey Mouse"

"mickey mouse singing versace on the floor"

"Versace on the floor by Mickey Mouse"

"the comments did not disappoint hahahahaha"

"I hear a bit of Mickey Mouse"

Samantala, maging sa X (dating Twitter) ay umabot na rin ang pang-ookray.

"Versace on the floor - Mickey Mouse AI version," sabi ng X user na si "Anima Cristi Vermin" na nirepost naman ng marami.

Sa kaniyang TikTok video ay makikitang muling pinanood ni Tom ang sarili habang kumakanta. Partida, naglilinis pa siya ng tenga dahil sa hawak na cotton bud. Mababasa sa caption, "Not a cover po. Reaction video po. Feeling cute, might delete later…pero hindi yung app, sorry."

"Hi guys, Tom Rodriguez here. Nandito ako para mag-react ng cover ko ng Versace on the Floor by Bruno Mars as Mickey Mouse," panimula ni Tom.

"Oh, okay naman ah," ani Tom sa unang bahagi.

Pero nang marinig na niya ang isang part na parang "Mickey Mouse AI version" daw, tila sumang-ayon siya sa mga sinabi ng netizens, at kunwa'y tinawag niya ang kaniyang "Mama" para magpaturo kung paano mag-edit o mag-delete ng TikTok video.

"Ay oo nga no? Hala pa'no mag-delete, hala pa'no i-Only Me? Ma... Ma!!!"

Pero hindi rito natapos ang pagbibigay ng reaksiyon ni Tom na parang "dinogshow" na lang o pinagkatuwaan ang mga negatibong komento sa kaniyang cover, matapos niyang gumawa ng reaction videos sa mga nauna niyang reaction videos kaugnay ng cover song.

[embed][/embed]

[embed][/embed]

Ito ang sinasabing kaysa mabanas ka, pagkatuwaan mo at gawing katatawanan, 'di ba?

MAKI-BALITA: Tom Rodriguez, nag-react sa kinutyang cover habang naglilinis ng tenga