Usap-usapan ng mga netizen kung sinong South Korean idol ang pipirma sa Sparkle GMA Artist Center ng Kapuso Network, at magiging latest artist na mapapabilang sa kanila.

Makikita ang anunsyo nito sa social media platforms ng Sparkle kung saan pinahulaan nila kung sino ito.

May mga humulang si Sandara Park ito ng 2NE1 at identified na nagsimula sa ABS-CBN dahil sa "Star Circle Quest," at si Chanty subalit talaga namang Sparkle artist ang huli.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Pero ngayong Lunes, Abril 1, opisyal na itong pinangalanan, ipinakilala at winelcome si Nancy sa Sparkle.

"Sparkle proudly welcomes its new international star, Nancy McDonie, to its diverse and stellar roster of talents," mababasa sa social media caption ng Sparkle.

"Get ready to witness her journey as she shines among the brightest stars in the industry! Welcome to Sparkle, Nancy 💎✨"

Hindi pa sure kung anong proyekto ang gagawin ng sikat na miyembro ng Momoland sa Pilipinas.