Isinilang noong Marso 31, 1976, ipinagdiriwang ngayong Linggo ng Pagkabuhay ang 48th birthday ni Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda na talaga namang "mothering" matapos niyang ibahagi ang birthday video para sa sarili.

"Mothering video tutorial from the unkabogable mother of mothering! Daming mother! Waaaah!!! ✨ #VGFulBirthday," ani Vice sa kaniyang caption.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

View this post on Instagram

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

Sa comment section naman ay bumaha ng pagbati para sa Unkabogable Star na inaabangan na rin ang pasabog na birthday performance sa It's Showtime, na matataon daw sa opening ng pagsisimula ng pag-ere nito sa GMA Network.