Itinanggi ng Cavite City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang ulat na nagkaroon ng lockdown sa kanilang lugar dahil sa pertussis o whooping cough.

Sa Facebook post ni CESU head Jeffrey dela Rosa na siya ring hepe ng Emerging and Re-emerging Infectious Diseases, nanawagan ito sa publiko na maging maingat sa pagbabahagi ng impormasyon, lalo na kung galing social media.

“Inaanyayahan namin ang lahat ng magbasa at kumuha lamang ng mga tamang impormasyon sa mga lehitimong FB pages, partikular na sa CESU Cavite City FB page para sa tama at wastong mga impormasyon lalo na sa mga sakit pandemya, outbreak, clustering at iba pa,” ani Dela Rosa.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Naiulat na nagkaroon umano ng lockdown dahil sa pertussis cases sa ilang bayan sa Cavite na kinabibilangan ng Tagaytay, Tanza, Gen. Trias at Cavite City nitong Marso 30-31.

“Face masks are required on all public places," sabi pa ng pekeng post.