June 06, 2026

Home BALITA

Larry Gadon, pinadalhan ng maleta; ‘Mary Grace Piattos’ ang laman!

Larry Gadon, pinadalhan ng maleta; ‘Mary Grace Piattos’ ang laman!
Photo Courtesy: Screenshots from Larry Gadon (FB)

Tila inasar ni disbarred lawyer at Presidential Adviser for Poverty Alleviation ang mga tagasuporta ni Vice President Sara Duterte.

Sa isang Facebook post kasi ni Gadon nitong Sabado, Hunyo 6, mapapanood ang kaniyang video kung saan ibinahagi niya sa publiko ang umano’y natanggap niyang maleta. 

“Mga katropa,” sabi ni Gadon, “may nagpadala sa akin ng maleta. Marines daw. Tingnan natin.”

Nang buksan ng dating abogado ang maleta, bumungad sa kaniya ang panibagong maleta na maleta rin pala ang laman. 

Pero sa ikatlong maleta, naroon ang potato crisp na Piattos kasama ang paper bag ng bakeshop at café chain na Mary Grace.

PNP, walang nakikitang banta sa Araw ng Kalayaan

Matatandaang naugnay kay VP Sara ang dalawang binanggit na brand ng produkto matapos lumutang bilang signatory ng halos mahigit 1,200 resibong pirmado umano ng isang Mary Grace Piattos na ipinasa ng Office of the Vice President sa Commission on Audit (COA) upang mapatunayan ang pinagkagastusang ₱125M expenditures ng OVP.

Ngunit ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Engr. Marizza Grande, wala umanong  makikitang opisyal na tala ang Mary Grace Piattos kasama na ang iba pang pangalang ginamit tulad ng "Milky Secuya" at "Kokoy Villamin.”

Maki-Balita: 'Mary Grace Piattos,' 'Milky Secuya,' at 'Kokoy Villamin' walang record sa PSA!