June 05, 2026

Home BALITA Probinsya

Isang buwaya, nasagip sa Kidapawan!

Isang buwaya, nasagip sa Kidapawan!
Photo courtesy: DENR Soccsksargen/FB


Na-rescue ng DENR-12 Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Cotabato Wildlife Rescue Team ang isang critically endangered Philippine freshwater crocodile sa Kidapawan, lalawigan ng Cotabato kamakailan.

Batay sa ulat na ibinahagi ng DENR noong Huwebes, Hunyo 4, nakita ng isang 16-anyos na residente ang buwaya bandang 7:00 ng umaga, habang itinatali niya ang alaga niyang kambing malapit sa creek noong Martes.

Ang narekober na buwaya ay may habang aabot sa 5.7 talampakan at bigat na 35 kilos.

Samantala, walang sugat o injury ang buwaya nang ito ay matagpuan.

Dinala rin ito sa University of Southern Mindanao (USM) Wildlife Rescue Center upang maobserbahan bago pakawalan sa akma nitong tirahan.

Probinsya

Lalaking namboboso sa male dormitory, naispatang nandedekwat din ng brief sa mga tenant!

Batay sa paliwanag ng DENR, ang Philippine freshwater crocodile ay endemic sa bansa, at itinuturing na isa sa “most threatened crocodile species” sa buong mundo.