June 05, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Mga senyales na tunay nang naka-move on kay Ex

Mga senyales na tunay nang naka-move on kay Ex
Photo courtesy: Unsplash

“Naka-move on na ko!” 

Ang pag-usad at paghilom mula sa isang natapos na relasyon ay iba-iba sa kada indibidwal dahil sa lalim ng mga panahong pinagsamahan at pangakong hanapbuhay na napako. 

Ayon sa ilang mga pag-aaral, komplikadong maituturing ang proseso ng pagdaan sa break up dahil umuusbong dito ang mga lumang trauma at emosyon na nabaon at mga katanungang kalauna’y nakatutulong sa emosyonal at mental na maturity ng isang indibidwal. 

Habang walang partikular na timeline, narito ang ilang senyales na tuluyan nang nakausad mula sa natapos na relasyon ang isang indibidwal: 

Kawalan ng “unresolved bitterness” sa mga alaala

Human-Interest

#BalitaExclusives: Mga paghahanda ng Tañong Integrated School sa darating na pasukan

Bagama’t kadalasang nangingibabaw ang galit at lungkot sa pagdaan sa break-up, sa pag-usad, mas pinipili na ng indibidwal na pakawalan ang anumang negatibong emosyon sa pag-usad upang maglaan ng espasyo sa pagkakaroon ng panibagong pananaw sa buhay. 

Kawalan ng interes sa paghahanap ng “rebound” 

May ilan na sa kasagsagan ng kanilang break-up process, ay naghahanap ng “fling,” “rebound” o panandaliang relasyon dahil sa takot na mapag-isa at agad na mapalitan ang dating karelasyon. 

Ang indibidwal na tunay nang nakausad o nakakausad ay mas komportable na sa kaniyang sarili at panahong mapag-isa. 

Pagkakaroon ng lakas ng loob upang tigilan na ang “stalking” sa social media 

Dahil malaking bagay ang social media upang manatiling updated sa isang tao, ang pagtigil sa pag-stalk, pag-unfriend, at unfollow sa dating karelasyon ay maituturing na “big step” sa moving on at opisyal na pagputol ng koneksyon dito.

Muling pagbubukas ng puso sa pag-ibig

Sa pag-usad, pinipili ng indibidwal na muling pumasok sa relasyon hindi upang punan ang lugar sa puso, ngunit dahil mas nagkaroon na siya ng kalinawan sa mga bagay na hinahanap sa muling pag-ibig. 

Pagiging masaya sa kinalabasan ng mga bagay-bagay 

Dahil wala na ang pait ng lumisan na pag-ibig, mas maluwag na ang pagtanggap sa mga kinalabasan ng mga pangyayari sa relasyon. 

Dito rin tunay na tinatanggap ng isang indibidwal na isa nang lumipas na yugto at natapos na relasyon at handa na siya sa mga muling kahaharapin sa buhay.