Ang donuts, they come with different sizes and shapes.
May kasinliit ng pingpong ball, may pahaba, may pabilog, at iba pa.
Sa paglipas ng panahon, nabibigyan ng iba’t ibang mukha ang donut—pero hindi maikakaila ninuman na maituturing na “classic” ang donuts na may butas sa gitna.
Ano nga ba muna ang donuts?
Ayon sa pakahulugang ibinahagi ng Encyclopedia Britannica, ang “doughnut” o donut ay isang matamis na “leavened dough” na maaaring “fried” o “baked.”
Batay sa kasaysayan nito, matatandaang umusbong ang donut mula sa mga Dutch noong ika-17 at ika-18 siglo.
Pero bakit nga ito may butas sa gitna?
Base sa parehong source, ang donut na may butas sa gitna ay pinaniniwalaang umusbong noong 1850s.
Isang American sailor daw ang pinaniniwalaang gumawa at gumamit ng ideya na lagyan ng butas ang gitna ng donut upang matiyak na maluluto maging ang loob na bahagi ng donut.
Ayon naman sa pahinang “Bake Mark,” may isa ring kuwento na nagsasabing ang american sailor na tinutukoy, na nagngangalang Hanson Gregory, ay wala umanong paglagyan ng kinakain niyang donut habang minamani-obra nito ang sasakyang pandagat sa gitna ng bagyo, kung kaya’t ini-stuck niya ito sa “spoke” ng isang “ship helm.”
Ano man ang paniniwala patungkol sa dahilan kung bakit may butas sa gitna ang donut, isa lang ang natitiyak ng lahat—na isa ito sa talaga namang tanyag ngayong “dessert” at “pastry” dahil sa angking tamis at sarap.