June 06, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Ingat! Mga WILD na sakit tuwing panahon ng tag-ulan

Ingat! Mga WILD na sakit tuwing panahon ng tag-ulan

Kinumpirma ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) noong ang opisyal na pagpasok ng tag-ulan, kasunod ng pagsisimula ng Habagat sa bansa. 

Saad sa naunang pahayag ng PAGASA noong Sabado, Mayo 30, inaasahan ang mga panaka-nakang pagkidlat at pag-ulan sa iba’t ibang parte ng Pilipinas, partikular sa western sections nito. 

MAKI-BALITA: Habagat season, opisyal nang inanunsyo ng PAGASA!

MAKI-BALITA: Tag-ulan na! PAGASA, kinumpirma pagsisimula ng rainy season sa bansa

Kaya batay sa babala ng Department of Health (DOH), narito ang iba’t ibang mapanganib na sakit na nakukuha tuwing panahon ng tag-ulan, na may acronym na “WILD:”

Human-Interest

Mga senyales na tunay nang naka-move on kay Ex

Waterborne Diseases

Ito ang mga sakit na nakukuha mula sa pag-inom ng maruming tubig. 

Ayon sa United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR), ilang mga sakit na maiuugnay dito ay cholera, diarrhea, dysentery, hepatitis A, hepatitis E, typhoid, at polio. 

Influenza-like illnesses

Kinikilala rin bilang “trangkaso,” ito ang sakit na nagdudulot ng lagnat, ubo, at pananakit ng katawan. 

Ilan pa sa mga sintomas nito ay ang dry cough, pagkawala ng panlasa, nausea o pagkaduwal, at chills o panginginig. 

Leptospirosis

Ito ang sakit na nakukuha sa ihi ng iba’t ibang hayop, partikular ang daga ay natatagpuan sa kontaminadong tubig o lupa. 

Kung hindi maaagapan agad, ang leptospirosis ay nagdudulot ng kidney damage, meningitis, liver failure, at kamatayan. 

MAKI-BALITA: ALAMIN: Ano ang leptospirosis at paano maging ligtas mula rito?

Dengue 

Ito ang sakit na nakukuha sa kagat ng lamok na Aedes Aegypti, na ayon sa World Health Organization (WHO), ay kadalasang nakukuha sa mga tropikal at subtropikal na mga bansa. 

Habang kadalasan na hindi nakikita ang mga paunang sintomas nito, ilan sa mga senyales nito ay mataas na lagnat, pananakit ng ulo at katawan, nausea, at pagkakapantal-pantal ng balat.