June 05, 2026

Home FEATURES Trending

'Accessible ba talaga?' Para-athlete Kat Hernandez viral, hikahos sa pagdaan sa PWD ramp!

'Accessible ba talaga?' Para-athlete Kat Hernandez viral, hikahos sa pagdaan sa PWD ramp!
Photo courtesy: Kat Out of the Box (Tik Tok)

Viral ngayon sa social media ang video ng silver medalist sa women’s 86kg para powerlifting finals ng ASEAN Para Games na si Katrina Hernandez matapos niyang ipakita ang tila hindi ligtas at mahirap na pagdaan sa isang ramp o rampa ng mga Persons with Disability (PWD). 

Ayon sa inupload ni Hernandez sa kaniyang Tik Tok account noon lang Hunyo 2, 2026, mapapanood ang pagsubok niyang tumawid sa isang PWD ramp ngunit tila nahirapan pa rin siyang makadaan dito. 

Makikita sa naturang video na tila matarik ang ramp na daanan ng mga PWD dahilan para mahirapan maging ang silver medalist at para athlete na si Hernandez.  

“Basta may ramp, accessible na ba?” pagsisimula niya sa caption. 

Video courtesy: Katrina Hernandez (Tik Tok).

Trending

2 nursing students, binigyan ng scholarship matapos sumaklolo sa isang jeepney driver

Diin ni Hernandez, tila may mga pagkakataon daw kasi na may mga PWD ramp ang mga establisyemento ngunit hindi naman ito madaling gamitin. 

“Sometimes the ramp is there, the railings are there, but using them is a completely different story,” aniya. 

Batay sa deskripsiyong kalakip ng naturang post ni Hernandez, sinabi niyang masyado raw matarik ang naturang PWD ramp kahit na sumalida pa siya bago tumawid sa nabanggit na daan.

“Kat Out of the Box goes up a steep ramp in a wheelchair with railings on the right side. She makes a running start for the ramp,” ‘ika niya. 

“But because the incline is too steep, she needs to pull herself up with all her strength and energy using the railings. At the end, she is able to get up, but she is very tired,” pagtatapos pa niya. 

Habang sinusulat ito, umabot na sa mahigit 2.2 million views at nakaani na ng mahigit 103.9K hearts ang naturang post ng para athlete. 

Hindi tuloy napigilang kumatig ng netizens sa ipinakitang danas ni Hernandez para sa mga katulad niyang PWD na dumaraan sa matatarik na ramp. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa viral video ni Hernandez: 

“Grabe paano pag pa baba jusko didiretso ka sa kalsada” 

“hindi architect nagdesign nyan for sure” 

“sue the owners of the company” 

“Nope not accessible… it’s steep. What building is this?” 

“masabi lang na may ramp e” 

“hindi na ako masusurprise kung government establishment to, bare minimum na nga hindi pa maayos ayos” 

“ano yan pang skate na ramp”