Nagpahayag ng kasiyahan ang TV host-actress na si Melai Cantiveros-Francisco dahil sa na-realize ng bunso niyang anak na si Stela ngayong Holy Week.

Sa kaniyang Instagram post noong Sabado, Marso 30, ibinahagi ni Melai ang video nila ni Stela kung saan makikita ang anak nitong umiiyak. 

“‘Yong akala ko anu ang inayakan nya, sa sobrang tagal nya matapos magpray umabot cya sa ganito kaguilty,” saad ni Melai sa caption ng naturang post.

“Thank you Jesus kasi na-understand na ng aming Baby ang meaning ng Holy Week, at sobra akong nahappy bilang Mama . Aylabyu baby Stey 😍❤️🙏🏻” aniya.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang video ni Stela. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“A child’s purity and innocence are things we need to remember ♥️♥️”

“It is the 'Akala ko sa ting pamilya lang, Ang swerte mama natin' 😂 aaaaaa this is so precious, kabut-an jud sa imuhang anak ate melai ❤️”

“So cute bebe steyy 😭”

“She got the essence of Holy Week and the sacrifice that Jesus did dying on the cross 🙏”

“God bless your baby, sooner she will hear the voice of the Lord for her intimate fellowship with Jesus ❤😍”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 35,292k likes at 519k views ang naturang post ni Melai.