Ibinida ng basketball player na si Marc Pingris ang outing nila ng kaniyang pamilya sa Lingayen Beach sa Pangasinan.

Makikita sa Instagram stories ni Marc ang bonding nila ng kanilang mga anak ng misis na si Danica Sotto at iba pang mga kaanak.

Photo courtesy: Screenshot from Marc Pingris (IG)

Photo courtesy: Screenshot from Marc Pingris (IG)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Photo courtesy: Screenshot from Marc Pingris (IG)

Photo courtesy: Screenshot from Marc Pingris (IG)

Photo courtesy: Screenshot from Marc Pingris (IG)

Matatandaang inintriga si Marc sa aktres na si Kim Rodriguez matapos bigyang-malisya ang pagkakapareho ng background sa kanilang viral photos; ang isa ay sa Sydney Opera House habang ang isa naman ay sa isang gasoline station, kasama ang tindera ng isang sikat na flavored French fries kiosk.

MAKI-BALITA: Nagkataon lang? Kim Rodriguez, Marc Pingris iniintrigang magkasama

Ngunit pinabulaanan na ito ni Marc at sinabing walang namamagitan sa kanilang dalawa ni Kim at okay naman sila ng kaniyang pamilya.

MAKI-BALITA: Pingris, nagsalita na sa intriga kasama si Kim Rodriguez: ‘Ok kami ng pamilya ko’

Sa pamamagitan naman ni Ogie Diaz, talent manager ni Kim, sinabi nitong hindi totoo ang mga kumakalat na tsika kaugnay sa kanilang dalawa ni Marc.

MAKI-BALITA: Ogie nagsalita na sa ‘cheating issue’ na kinasangkutan ng alaga: ‘Eh ‘yong totoo…’

Kung mayroon man silang mga larawan sa magkaparehong lugar, iyon ay nagkataon lang daw at hindi ibig sabihin na magkasama sila, kahit tanungin pa raw ang tinderang kasama nila sa picture.