Inamin ni Comedy Queen Ai Ai Delas Alas na ang asawa niyang si Gerald Sibayan ang bumubuhay sa kaniya sa Amerika taliwas sa tingin ng marami.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Marso 25, inisa-isa ni Ai Ai ang magagandang katangian ni Gerald: La Salista, bata, guwapo, star player, at nag-piloto.

“And isa pa, provider. ‘Yon ang pinaka-isa sa importante. Hindi nila alam na gano’n. ‘Naku, si Ai Ai lang ang bubuhay dyan.’ Hindi po. Sa Amerika, siya ang bumubuhay sa akin,” saad ng komedyante.

“Galing ‘no. Answered prayer. At hindi ka talaga humiwalay do’n,” sabi naman ni Boy.

Relasyon at Hiwalayan

Mommy ni Gerald Anderson, humihirit na ng apo?

Masayang tumugon si Ai Ai: “Yes.”

Kaya naniniwala raw talaga si Ai Ai na ang isang mabuting asawa ay ibinibigay ng Panginoon. In fact, para kay Ai Ai, si Gerald ang itinuturing niya raw na “so much super gift” ng Diyos sa kaniya.

Patunay lang ito na going strong ang kanilang relasyon sa kabila ng mga intrigang idinidikit sa kanilang dalawa ni Gerald.

Matatandaan kasing naimbyerna kamakailan si Ai Ai matapos silang itampok ng kaniyang asawa sa isang blind item na halatang sila naman talaga ang tinutukoy.

MAKI-BALITA: Ai Ai delas Alas, naimbyerna; hindi raw susunod sa nauusong hiwalayan